Pagkabíghanì sa mga Óbra ni Van Gogh

Diláw ang mga bit’wín sa asúl na lángit
Último ang b’wan ay tanáw ang angkíng rikít
Haláman at punò sa náyon ay luntían
Makatà ay tahímik sa kan’yáng tahánan

Kabukirán ng trígo ginintúang úhay
Magsasaká itó ang ikinabubúhay
Símoy ng hángin pagkakák ng mga uwák
Kahél na damuhán at bátis na busílak

Halína’t magkapé sa veránda sa gabí
Sa ilálim ng páyong na kórteng kabutí
Ang Hulíng Hapúnan nakasábit sa dingdíng
Liwánag ng lámpara ang kanyáng luningníng

At nápos n’yang igúhit ang óbra maéstra
Gámit ang kutsílyo pinútol ang taínga

Note:
A sonnet consisting of 13-syllable lines; giving homage to Vincent van Gogh’s paintings–particularly, The Starry Night, Wheatfield with Crows, and Café Terrace at Night

written with LoveKat