On Sportsmanship, Sense of Fairness, and Objectivity
One day, my son asked me, “Dad, is it true that in a game everybody’s a winner?”
After careful analysis, I responded, “No, it’s not true.”
In any sport, game, or competition, there will always be winners and losers in the end (unless the result is a tie, a draw, or a truce; in fact, there’s even usually a tiebreaker just to be able to declare a rightful winner). And there’s nothing wrong with that. There should be nothing shameful about losing. And there should be nothing self-aggrandizing about winning either. In a game or competition, in which results are calculated based on clear, fair, and transparent points of criteria and in consideration of the objective and subjective decision of the judges, winners should be able to celebrate their success in ecstatic yet humble manner and losers should be able to regard the loss as an opportunity to improve and to upgrade their skills and strategy. Although winning or losing means a lot to a person, she should not take this too seriously to the point of treating the competition as a win-or-die situation. Simply put, it’s just a game; nothing personal; if you win, then great—congratulations; if you lose, move on and better luck next time.
Maraming tao ang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Akala kasi nila e pag natalo ka e kahiya-hiya ito at parang yurak ito sa kanilang pagkatao. Yun tuloy, sa tuwing matatalo e hiyang-hiya; akala mo e nakagawa ng karumal-dumal na krimen. O di kaya e magrereklamo at sasabihing nadaya sila o may kinampihan o pinanigan ang mga hurado—para lang masabing hindi talaga sila talo. At hindi pa makukuntento—iinsultuhin at lalaitin ang nanalo at hahalungkatin ang lahat ng bagay tungkol dito na wala namang kinalaman sa laro; pipiliting sirain ang pagkatao ng nanalo para lang maipalabas na hindi ito karapat-dapat na manalo o magwagi. Sa kabilang banda, marami rin naman ang sobrang yabang kapag nananalo. Akala mo e sila na ang pinakamagaling sa buong mundo. Grabe kung manlait o mang-insulto ng kalabang natalo. Yung mga taga-suporta e kung ituring ang kanilang sinusuportahan e akala mo e mga bayani o anito na dapat sambahin at ilagay sa pedestal. Hindi nila matanggap na ang lahat ng iyon e laro lamang; tagisan lang ng talino o kaalaman o lakas na kinakailangan sa larong sinalihan.
Akala ng maraming magulang e maganda ang itinuturo nila sa kanilang mga anak kapag sinasabi nila sa mga ito na “Everybody’s a winner.” Hindi nila alam na hindi maganda ang tanim ng paniniwalang iyan sa isipan at damdamin ng mga bata. Kapag naniwala sila r’yan e tatanda sila na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Iisipin nila na kahiya-hiya ang matalo sa isang laro kung kaya kinakailangang sabihing panalo ka pa rin kahit na ikaw ay natalo. Imbes na tingnan ang pagkatalo bilang pagkakataon upang mapagbuti ang kakayanan at kaalaman, ituturing nila itong isang karumal-dumal na bahid sa kanilang pagkatao na dadalhin ng buong pamilya o angkan.
Sa Madaling Salita
Sa bawat laro at kumpetisyon, hindi lahat ay nananalo; at walang mali o masama r’yan. Natural lang na merong manalo at matalo. Ibig lang sabihin e mas magaling o mas epektibo ang istratehiya o mas nasa kondisyon ang nanalo sa partikular na larong kanyang nilabanan. Samantalang ang natalo ay kinakailangan lang na pagyamanin pa nang husto ang kanyang talento at umisip ng ibang istratehiya o palawakin pa ang kanyang kaalaman, para maging handa sa susunod na kumpetisyon. Hindi niya dapat isipin na siya ay kahiya-hiya o nagdulot ng bahid sa kanyang angkan.
Ang mga taong napipikon o nambibintang na nadaya sila kapag natatalo e indikasyon lang ng kawalan ng kakayanang tumanggap ng pagkatalo. Hindi sila naturuan ng kanilang mga magulang o naimpluwensiyan nang malumanay at malawak na pag-iisip. Karaniwan, ang mga pikon ay sila rin ang napakadaling yumabang sa sandaling sila naman ang manalo. Ang mga pikon ay sila ring malakas mang-insulto at mambuska ng kanilang kapwa tao.
Kaya kung hindi mo rin lang kayang tumanggap ng pagkatalo e wag ka na lang sumali o makibahagi sa anumang laro o kumpetisyon, dahil siguradong mapipikon ka lang at makakagawa ka lang ng hindi maganda sa iyong kapwa…dahil hindi sa lahat ng pagkakataon e ikaw ang panalo. May mga sandaling ikaw ang talo. At walang masama o kahiya-hiya riyan.