(On the Importance of Social-Media Commentaries)
Marami ang mahilig bumatikos sa mga taong tinaguriang critical thinkers sa world wide web of the Internet. Kesyo panay dakdak lang daw ang mga ito at hindi naman umaaksyon. Palagi lang daw sila nasa likod ng kani-kanilang mga kompyuter at hindi lumabas sa kalye upang isakilos ang aktibismong kanilang ginagawa. Sa isang banda, wala nga namang saysay kung tatahimik na lang palagi kapag may mga malalaking isyu sa komunidad na kailangang napag-uusapan. Subalit hindi rin naman praktikal na otomatik na magpoprotesta agad sa kalye sa tuwing may mga isyu na gustong batikusin. Ito man ay pulitikál, relihiyóso, o kulturál. At alalahanin na malaki rin ang ginagampanan ng mga manunulat at mangingisip sa paghubog ng lipunan. Kaya hindi nararapat na minamaliit ang kanilang kontribusyón sa pangkalahatang larawan ng kaalaman.
“Can the general gullibility and shortsightedness of the so-called masses still be mended if not eradicated?”
I think yes. It is possible. Although that will really take a longer time to achieve.
What people like me are doing regularly and consistently—discussing issues and sharing our viewpoints on social media—is instrumental in shaping thoughts and perceptions and influencing others to become critical thinkers. Whether you are a journalist, a blogger, or a mere netizen—if you have something critical to say—you have the right to express your thoughts, especially if these are well-thought-of, well-considered, and well-meant.
That is why I abhor the so-called smart shaming. Many detractors say that writers and thinkers are useless and not really helping society because they are not out in the streets wielding placards and hurling stones, but instead they are behind their keyboards typing away pieces of their minds and their visions of a better society.
But, I don’t mind. I will just keep on expressing my opinions and suggestions. Because, I believe that—as opposed to the cliché “action speaks louder than words”—sensible proposals and valid observations are actually more potent and make greater and longer-lasting impact on the collective psyche of people at large. They are, in the end, more useful than the reckless actions, band-aid solutions, and violent activism of shortsighted and self-serving community leaders and their minions.
Sa Madaling Salita
Kung hindi ka man makasali sa mga organisasyón o mga pagtitipong ang pakay ay aksyunan ang mga problema ng lipunan, e maaari ka pa namang magkaroon ng silbi sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng iyong opinyón ukol sa mga bagay-bagay. Maaari mo ring ibahagi ang iyong mga pananaw sa iyong mga anak, kaanak, o kaibigan. Mas mabuti na yan kesa palagi ka na lang tahimik at walang pakialam. At kung isa ka naman sa mga madalas mamuná ng mga mahilig mamahagi ng kanilang naiisip na solusyón sa mga problema ng lipunan, isipin mo na malaki rin ang tulong nila sa paghubóg sa kamalayan at kaalaman ng mga tao lalo na sa sarili nilang komunidád. Kaya imbes na siraan, e nararapat pa nga na sila ay bigyan ng kahalagahán.