(On the Importance of the Information Age and the Neutrality of Social Media
Marami ang bumabatikos sa social media, lalo na sa Facebook—na kesyo panay kabulastugan lang daw ang nababasa rito at pagsasayang lang daw ng oras ang paglalaan ng panahon dito.
Hindi ako sang-ayon sa hinaing na ’yan. Sa totoo lang ang social media na gaya ng Facebook e maraming ambag sa kaalaman—depende syempre sa mga hilig ng iyong mga kaibigan na miyembro din nito. Dahil karaniwan, ang ating nakikitang mga posts ay mga galling sa ating mga kaibigan. Kaya kung ang karamihan ng kaibigan mo sa Facebook e walang kwenta ang ipinagpopo-post e natural lang na wala ka ngang matinong matututunan o malalaman ditto. Subalit, kung marami kang kaibigan na matatalino, malawak ang pag-iisip, at iba-iba ang interes e syempre marami kang matututunan sa kanila—musika, literature, pelikula, pulitika, relihiyon, pagkain, lugar na mapapasyalan, kwentong pag-ibig, hinaing sa buhay, kaaway sa trabaho, at marami pang iba.
Kaya hindi patas na sabihing hindi maganda ang Internet at saying-oras lang ito. Depende talaga yan sa gumagamit nito.
A Platform for Expression
The Internet, specifically social-media platforms such as Facebook, simply serve as instant outlets for expressing ideas—whatever kind of ideas these may be – stupid or brilliant, trivial or significant.
Even the racism and bullying – they just got exposed. They’ve always been out there; but during the pre-Internet age, they were often concealed or left unnoticed.
Having said that, I’d rather that I live in this so-called Information age, when the power to choose is more in my hands—all I need is a strong sense of discernment, self-control, and sharp but fair critical thinking—than to have lived in the days when the harsh realities of life and the follies of humanity in general could easily be sugarcoated or swept under the rug by those who were in extreme power—when the fate of many was actually controlled and decided upon by such political, religious, and other community leaders.
Sa Madaling Salita
Kaya kung isa ka sa mga pumupuna sa social media at nagsasabi na walang kawawaan ito e mag-isip-isip ka. Baka ang problema e ang mga mismong ibinabahagi mo rito at mga pinagsusulat ng mga kaibigan mo sa Facebook. Kasi kung wala ka kamong natututunan o nalalamang mahalaga rito e ibig lang sabihin e wala kang mga kaibigan na mahilig mamahagi ng mahahalagang impormasyon. Kung panay basura ang kamo nababasa mo, e kanino pa ba galling yang mga basura na iyan—e di sa mga kaibigan mo rin.
Kaya ang problema ay hindi Facebook, social media, o Internet; kundi ang paraan ng paggamit ng bawat tao rito. Gaya ng pera at karamihan ng iba pang mga bagay—ang ikabubuti o ikasasama nito ay nasa sa kamay ng gumagamit nito.