Article by Robert Louie Bondoc, Photos by John Cabuhat and Odie Munsayac | Pembina Valley Pinoys
Minsan pa pinatunayan muli ng mga taga Pembina Valley Pinoy’s ang diwa ng bayanihan, isa sa mga kaugalian at tatak Pilipino. Taas noo na ipinakita at isinuot ang ating mga traditional na kasuotan at sabay-sabay na iwinagayway ang ating bandila upang ipakita na tayo ay nagkakaisang Pilipino.
Nagtulong-tulong ang mga kababayan natin dito upang magkaroon ng mga Traditional na kasuotan upang isuot sa mga Festival at Cultural affairs dito sa aming lugar. Mula sa pagpaplano, tulong financial, pag-canvas sa Divisoria ng mga tela ng aming mga kamag-anak sa Pilipinas, pagtahi at pagdala dito sa Canada,hanggang sa pag-dedecorate ng aming truck/float ay buong saya na nagsama-sama ang ating mga kababayan pati sa pagparada sa Winkler Harvest Festival ay pinakita ang pagiging masayahin ng mga Pilipino na ikinatuwa ng mga nanood ng parade.
Mga kasamang nagparticipate sa parade hanggang sa booth ng Philippines ay mga taga Carman, Morden, Altona, Winnipeg at Winkler Masaya kaming lahat na pumarada suot ang mgakasuotan mula Luzon, Vizayas at Mindanao.
Pinasasalamatan ko ang sumama sa parade at mga kasama ko sa pagbuo ng mga planong ito lalo na sina: Vicenta Fajutagana, Zenaida Fajutagana, Diosdado Bascuna, Rizalina Bascuna, Ma. Luisa Hintay, Odie Munsayac, Aida Munsayac, John Cabuhat, Elaine Cabuhat, Manny Santisteban, Ricel Santisteban, Sheryl salili Penner, Maricar Cabildo, Lizer Pascual and Armelet Pascual, Bong Canlas, Malou Canlas, John Angles Ghem Angeles, At ang aming mga Advisers na sina Esther Thiessen at Dolores Thiessen.