Ang radical na pagbabago para sa kabutihan ng mamamayan, para sa bagong Pilipinas, ay sinimulan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Una: laban sa droga at mga illegal na gamot.
Malinaw ang sinabi ni Pangulo Duterte: “Huwag ninyong sisirain ang kinabukasan ng mga kabataan, papatayin ko kayo. Huwag inyong sisirain ang Pilipinas, papatayin ko kayo.”
Matigas ang paninindigan ni Digong, simula pa nang siya ay manganpanya, haharapin niya ang problemang ito na wari’y hindi matugunan ng mga kasalukuyang administrasiyon. Laganap at harapan ang paggamit at paggawa ng mga shabu. Maraming nasisirang mga kabataan; maraming nawawasak na tahanan. Panahon na ngayon upang ito ay matigil.
Wala pang isang lingo sa panunungkulan, ang ating pangulo, Rodrigo Roa Duterte ay nasasaksihan na maraming factory ng mga droga at mga illegal na gamot. Nitong nakalipas na araw na lamang, halagang aabuting ng Ph1.7 bilyong piso ang halaga ng mga nakumpiska sa Philamlife Village, Las Pinas City at sa BF Homes Paranque City. Sa Claveria, Cagayan, natuklasan ang halagang Ph900 milyong piso. At halos sa mga iba’t-iba pook sa Pilipinas, may mga sumusuko, may mga nakikipagsagupaan sa mga pulis, ilan ang patay and may mga nasusugatan. At kahapon, ibinulgar na ng ating pangulo ang limang PNP generals na pinaghihinalaang may kaugnay sa drogat at mga illegal na gamot. Sabi ng mga autoridad, may mga ebidensiya laban sa mga sumusunod: Gen. Marcelo Garbo, Gen. Vicente Loot, Gen. Bernardo Diaz, Gen. Joel Pagdilao and Gen. Edgardo Tinio. At ngayon, ang listahan ng mga ma-impluwensang politiko na involved sa drugs ay nasa kamay na ni Pangulo Duterte, at malamit nang ipahayag sa publiko.
Marami sa mga nasasangkot na nagmamanufacture ng mga droga at mga illegal na gamot ay mga Tiawanese? Paano nakarating dito ang mga ito. Sino ang mga opisyal ng pamahalaan ay mga kinalaman dito?
Ang hindi maunawaan ng karamihan ay bakit sa loob ng Bilibid prison, ang mga nakakulong na mga drug lords ay may layang magluto ng mga shabu. At ang isa pa, bakit nakalulusot ang mga supplies, At dito rin sa Bilibid Prison, ang mga gang ay patuloy na naghahari at wari ba’y nagbubulag-bulagan ang mga nasa pamahalaan at mga namamahal ng national na bilangguan?
At sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, libu-libo ang mga sumusukong gumagamit at nagbebenta ng mga droga at mga illegal na gamot! Marami din ang nagsasagupa, kalimitan, humahantong sa barilan at patayan. “Alam ko, ang aking anak ay nagbebenta ng droga, iyon ang hanap buhay niya, upang mabuhay ang kanyang pamilya,” sabi ng isang ama ng napatay ng drug pusher.
At sa mga barangay, marami mga opisyal at mga mamayan ang natutukan at nahuhuli sa pagbebenta at pagamit ng droga.
At ang bagong hepe ng PNP Chief Gen.Ronald “Bato” de la Rosa ay may lakas upang pangunahan ang pakikipaglaban sa droga at mga ilegal na gamot.
Nakakagulat ang libu-libong sumusuko at nais magbagong buhay.
Ganito ba ang kasidhi ng problema sa droga at Matamong nga natin: wala ba bang nahuhuling mga drug lords?
Abangan ang patuloy ng pakikipaglaban sa droga?
At sino ang tatlungpung mayor na mga nanalo dahil sa ginamit nila ang perang suhol o kita sa droga.
Sabi ng karamihan: “Bakit ngayon lang ang maraming sumusuko at nais magbagong buhay; at bakit ngayon din, nabubulgar sa Maynila, mga karatig siyudad at sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang droga ay talamak.
Ngayon, si Pangulong Duterte ang pangunang nakikipaglaban, at bakit ang mga nakaraang presidente walang mga nagawa?