Palimos ng Pasko

Sa kalakhang Maynila, sa malalaking lungsod at maging dito sa atin, partikular sa atin, pag malapit ng sumapit ang kapaskuhan mapapansin na natin ang maraming mga batang namamalimos sa kakarsadaan.

Kumakatok sa bintana ng mga sasakyan, sumasabit sa estribo ng mga jeepneys. Madalas tanggihan, di pinapansin, dinudusta at kapag minsan pinapagalitan pa, imbes na kaawaan..Sa ganitong sitwasyon ano ba ang magiging damdamin ng isang Kristiano?

Matagal ko ng nabasa itong kwentong ito, pero hindi na nawala sa aking gunita, na mabuti pa ipasa ko sa inyo ang kwento.

Nagsimula sa isang kwento sa isang marangyang piging, isang Christmas party ng isang malaking kumpanya sa bulwagan ng isang 5-star hotel. Masaya,may live band, magagarang damit ang suot ng lahat, mga signatures at higit sa lahat punong puno ang buffet long table ng sari-saring pagkain.Baked ham, turkey, lechon Cebu, baked salmon, Angus beef, mga sari saring pahimagas, mga sari-saring prutas galing pa sa Bangkok. Mga alak na imported.

Halos di man kalahati ang nakonsumong pagkain, dahil ang mga usapan sa kwentuhan ay tungkol sa kanilang pag-papayat at ehersisyo. Mga usapan tungkol sa kanilang pag-babakasyon sa ibang bansa, mga bagong biling condo unit at tubong malaki sa naging inilagak nila sa stock market.

Isa sa mga dumalo doon ay tawagan nating Elsa, isang ginang na may edad lampas singkwenta. Isang matagumpay na negosyante. Ang asawa ay isang malapit na kaibigan ng presidente, mga ilang senador at kongresista. Nakatira sila sa may Dasmarinas Village. Miyembro sila ng Manila Golf Club at Manila Polo Club, mga exclusibong club para lang sa mga mayayaman.

Patapos na ang okasyon, tinawag ang drayber niya para sunduin doon sa harapan ng lobby ng otel. Sa loob ng kaniyang magarang series 7 na BMW isinandal ang tikal na katawan at di pa nakakalayo ang sasakyan huminto sa isang interseksyon dahil sa hinto ang trapic. At dito isang batang babae, mga edad sampung taon, kumatok sa bintana ng sasakyan. Minabuti ng drayber na buksan ang bintana at kumuha ng sampong pisong sensilyo sa lalagyan ng barya sa loob ng sasakyan na gamit sa pagbayad ng parking fee.

Namasdan ni Elsa yaon, at habang inaabot ang pera sa bata hinablot niya ang kamay ng drayber at hulog ang mga sensilyo sa kalsada, sabay sigaw na ‘SABI KO NA SA IYONG HUWAG MAMALIMOS SA MGA YAN. MGA TAMAD ANG MAGULANG NIYAN KAYA GANIYAN.

Nakayuko ang bata at hindi namalayan ang isang rumaragasang motorisiklo at sa isang iglap sapol siya. Walang hininga na ang bata ng mabagok ang ulo.

Tinignan ng matalim ng drayber ang kaniyang among si Elsa, at iling iling ang ulo.

M’am ang batang iyan ay kapitbahayan namin sa may Sampaloc. Ulila na po siya. Namatay sa aksidente kapuwa ang magulang. Tanging lola niya ang kasamahan sa bahay. May sakit po kasi ang lola niya, kaya kahit gabi na napipilitan siyang mamalimos. Kahapon nga po halos hapon na hindi pa sila nakakain, at naawa lang ang Mrs. ko at binigyan na lang namin doon sa aming natirang tinanghalian’, sabi ng drayber.

Hayaan niyo papalitan ko na lang sa pera ko ang baryang nahulog sa karsada’, dagdag ng drayber.

Editor’s Note: Formerly newspaperman of Daily Inquirer and other major dailies; former TV and radio Broadcaster. Former Director of various corporations like Clark Development Co.; and a former City of Angeles Councillor. Now a regular columnist of Sun Star Pampanga.