Magkaribal, Consistent Top Rater! - Filipino Journal

Magkaribal, Consistent Top Rater!

Magkaribal, Consistent Top Rater!

WALANG duda na ang MAGKARIBAL ang paboritong panoorin ng mga Pilipino gabi-gabi! Sa latest Philippiine national survey na inilabas ng Kantanar Media/TNS, pumalo ang rating nito sa 27%.

Ang MAGKARIBAL ay isa sa consistent top rater sa primetime race.

Inulan din ng magandang review ang production value ng MAGKARIBAL. Dagdag pa ang mahusay na pagganap ng mga leadstars nito sa pangunguna nina Gretchen Barreto, Angel Aquino, Derek Ramsay, Erich Gonzalez, Enchong Dee at Bea Alonzo.

“Makikita mo talaga ang major major effort na pagandahin ang MAGKARIBAL. Maganda ang texture at sosyal ang set design. Credit should also be given to the director for a well-crafted series,” ang iisang sabi ng mga taong sumusubaybay sa teleserye.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Robert Arevalo and Bianca Manalo. Ito’y sa direksyon nina Nuel Naval at Mae Cruz.

Patuloy na subaybayan sa The Filipino Channel (TFC) ang mga naglalakihang eksena at banggaan ng mga fashionista sa MAGKARIBAL.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbnglobal.com.