Huling hirit sa kampanya para sa mga tumatakbong School Trustee: Boses natin sa school system sina Perla Javate, Ward 6; Ann Evangelista, Ward 9; at Dante Aviso, Ward 5

Panahon na para magkaroon ng malaking pagbabago sa school system!

“Naku, Pareng Rod, talagang boboto ako at nang magkaroon tayo ng boses sa School Board of Trustee! Sina Perla, Ann at Dante ay magkalaban?”

“Hindi, Mare. May sarili silang ward na dapat doon sila manalo, si Perla Javate, Ward 6, Ann Evangelista Ward 9 at si Dante Aviso, Ward 5 ng Winnipeg School Division 1. Hindi sila magkalaban, marami silang kalaban na iba ang lahi, pero, iisa lang ang mananalo. Iboto mo na sila. Eh, saan ka bang ward?

“Naku, Pare. ewan ko, paano ko malalaman ang ward ko? Makokontak ba sila?”

“Oo naman, eto kontakin mo sila: si Perla, e-mail perlajavate.ca; si Ann, e-mail annevangelista.ca; si Dante, call (204)698-3198 or dantewsd1@gmail.com. Importante ang boto mo, Mare! Sabihan mo din ang angkan mo at kapit-bahay.”

“Puti ang kapitbahay ko, busog siya sa luto kong pansit at adobo!”

Mga nakatutuwang usapan sa pagkakampanya sa telepono upang ipabatid sa kanila ang botohan sa October 26, at ipaalam sa kanila ang kahalagahan ng kanilang boto. One vote counts.

Kakaiba ang eleksiyon ngayon, Kabayan. At natutuwa naman ako at may mga kababayan tayong nagkaroon ng tapang at lakas na maging miyembro ng School Board of Trustee sa Winnipeg School Dvision No. 1, isang parte ng City of Winnipeg na halos nasasakupan ang karamihan kababayan natin na may mga anak na pumapasok sa mga ward nina Perla, Ann at Dante.

Alam mo ba ang katungkulan ng School Board Trustees dito sa Manitoba, o maging sa buong Canada?

Ang mga school board trustees ay nagpapatakbo ng school system dito at sila ang gumagawa ng mga kaukulang polisiya na dapat tuparin sa pag-aaral ng mga bata. Sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng inyong anak kung sila ay nag-aaral sa public school, maging elementary o high school.

Sila ang gumagawa ng mga programa tulad ng breakfast program sa mga eskwelahan, after school program at iba pa. Sila rin ang naghi-hire ng mga guro.

Sila ang humuhubog sa kaisipan ng mga mag-aaral para sa magandang kinabukasan, subalit kung minsan, sa dami ng kanilang mga katungkulan, may mga pagkakataon na parang nawawala ang focus nila sa mga minority. Pangkalahatan o “para sa lahat” kasi ang approach nila. Pero dapat bigyan ng pansin ang mga problema ng mga bagong dating, health at mental issues, at mga programang naaayon sa pangangailangan ng komunidad.

At sa totoo lang, kung wala tayong kababayan sa board na ito, walang magtutulak ng mga proyekto o ideya para tulungan ang mga minority sa mga paaralan. Kailangan natin ng mga kababayang kakatawan at magiging boses sa mga desisyon para sa kabutihan ng ating mga anak.

Kakaiba ang may kababayan tayo sa school system. At katulad ko, nahirang ako, ang inyong lingkod, Rod E. Cantiveros, bilang isang member ng board of directors ng Red River Ex Company, na alam nila na dapat mabago ang takbo ng mga pagkain sa Red River Ex, at dapat magkaroon ng ibang pagkain mula sa iba’t ibang community. Natuwa naman ako sa kanilang vision for the future, at kabilang na dito sina Mareng Imelda at Pareng Jimmy ng Jimels na unang sumubok sa Red River Ex summer at fall fairs, kakaibang pagkain para sa lahat, wika nga, Pinoy fast food! At ibang ethnic fast food!

Di ba, dapat meron tayong kabayan bilang kasapi o bahagi ng kanilang decision-making process.

Iba na ang takbo ng lipunan ngayon, lalo na sa mga paaralan. Dapat bigyan ng focus ang mga dapat gawin sa ikabubuti ng ating mga anak sa school system.

Kaya mga kababayan, ngayon ang panahon ng ating pagkakaisa! Iboto natin sina Perla Javate, Ann Evangelista at Dante Aviso, sa kani-kanilang ward, marami silang kandidato, pero iisa lang ang magiging board of trustee, at sino ang mga ito? Ang ating mga kababayan, sina Perla Ward 6; Ann Evangelista, Ward 9 at si Dante Aviso, Ward 5. Botohan sa October 26,maghapon hanggang alas-8 ng gabi.

Mula kay Perla Javate, Ward 6
“Bilang kandidato sa pagka-Board of Trustee, nais kong muli na makatulong sa mga kabataan na bumubuo ng 60% ng populasyon ng School Division, kabilang ang mga Indigenous at mga bagong immigrant. Kailangan ay may boses ang mga batang ito upang hindi sila makalimutan sa paggawa at pagpapasiya ng mga mahalagang patakaran para sa mga mag-aaral.


Photos provided by: Perla Javate

Isang pakiusap po, bumoto po tayong lahat dahil ito ay tungkulin natin bilang mamamayan. Ating iboto ay ang mga kandidatong makagagawa ng mga pagbabago at mapagbuti ang ating Winnipeg at ang ating Winnipeg School Division. Maraming salamat sa inyong lahat at lahat ng mga tumutulong sa aming tatlo, ako, si Ann Evangelista at si Dante Aviso.”

Mula kay Ann Evangelista, Ward 9
“Taos puso po akong nagpapasalamat, on behalf of Team Ann, sa lahat ng mga tumulong at sumuporta, at sa mga patuloy na naniniwala na posibleng makamit natin ang pagbabago sa estado ng edukasyon sa Winnipeg School Division. Bumoto po tayo para sa magandang kinabukasan ng ating mga anak. isa kong mahalagang tungkulin na bumuto bilang isang Canadian.”


Photos provided by: Ann Evangelista

Mula kay Dante Aviso, Ward 5
“Sa mga kababayan ko na hindi pa bumubuto, huwag po nating sayangin ang ating mahalagang karapatan at pribelehiyo na bumuto at gamiting ang aming boses sa School board, para sa positibong pagbabago. Dito ko po isusulong ang aking mga balak o ideas para sa kabutihan ng aking advocia at plataporma. Salamat po.”

Photos provided by: Dante Aviso

“Oh, ano mare ko, anong ward ka?”

“Ward 6, Miss Perla Javate, Dapat nga silang manalo para sa mga magandang kinabukasan ng ating mga anak.”

“Salamat, Mare, huwag mong kalimutang bigyan ng pansit at adobo ang mga kapitbahay mo.”