Envy Is a Universal Human Tendency

Envy Is a Universal Human Tendency

(But the Power to Control It Is What’s Makes the Difference)

Noong nasa Pilipinas pa kami e marami na kaming nakakaengkwentrong mga taong madaling mainggit sa kanilang kapwa. Naaalala ko pa ang sabi ng Mommy ko na, hayaan na lang daw namin ang mga iyon kasi malapit na naman daw kaming pumunta ng Canada. Kaya tuwang-tuwa ako noong, sa wakas, nakarating din kami ng Canada.

Naisip ko kasi na malalayo na kami sa mga taong maiinggitin at mahilig manira ng kapwa. Subalit, dito pala sa Canada e di pa rin kami ligtas sa mga inggitero, pati na rin mga taong mahilig magkalat ng tsismis at manira ng kapwa—ang paborito pa nilang siraan at kainggitan e yung mga kalahi nila na nagkakamit ng tagumpay sa buhay at ng kasaganaan na nakuha nila sa pamamagitan ng pagsusumikap at paggamit ng kani-kanilang mga kakayanan, talento, at talino sa magandang paraan.

Kaya ako e nagtataka kumbakit hanggang sa Canada e marami pa ring mga inggitero at inggitera. Nabanggit ko iyan kay Tito George noong minsang nagkaroon ng salu-salo sa aming bahay. Palibhasa e nakatatanda si Tito George at matagal na siyang naninirahan sa Canada, kaya tiyak ko na marami na siyang karanasan tungkol sa napakasama ngunit karaniwang kaugaliang kung tawagin ay inggit.

Ayon kay Tito George, ang inggit daw (or envy sa Inggles), ay isang kaugaliang walang pinipiling lahi, relihiyon, o lugar. Kaya wag na raw akong magtaka kung hanggang dito sa Canada e dala-dala iyan ng di lamang maraming Filipino kundi pati iilang miyembro ng ibang lahi. Mahirap na raw puksain ang kapangitang iyan dahil, ika nga niya, “Envy is universal.” Halos lahat daw tayo ay nakararamdam ng pagkainggit sa kapwa, pero ang pagkakaiba raw ng bawat tao e kung paano niya kokontrolin ang emosyóng iyan.

Sa aming pag-uusap ni Tito George, dalawa ang itinanong ko sa kanya: Una, bakit nga ba nakararamdam ng inggit ang isang tao sa kanyang kapwa?; ikalawa, kung ang inggit ay pangkalahatan, e paano iyan makokontrol ng tao?

Sabi ni Tito George, ang karaniwan daw na nakararamdam ng inggit sa kanilang kapwa e yung mga taong malaki at marami ang frustrations at hang-ups sa buhay.

Sabi pa niya, karaniwan daw, ang mga inggitero ay naiinggit sa mga taong kauri nila. Halimbawa, kung ikaw ay successful na businessperson, asahan mo na karamihan ng maiinggit sa ’yo e mga businesspeople rin; kung ikaw ay musikero, mga kapwa-musikero din—lalo na ’yung mga hindi makatikim ng tagumpay sa kanilang larangan, kaya sa sandaling makakilala sila ng matagumpay na businessperson o musikero e naiinggit at naiinis sila kasi sila e hindi matagumpay. Nakalulungkot, ano? Pero totoo.

Kung ikaw naman ay masipag sa iyong trabaho at maganda ang reputasyón, asahan mo na ang unang-unang susubok na sumira sa ’yo e mga katrabaho mo na tamad at hindi mapansin ang kakayanan sa inyong pinagtatrabahuhan; imbes na pagbutihin ang kanilang kakayanan at kaalaman—palibhasa e hindi kaya ng kanilang isipan—e ang gagawin e sirain na lang ang mga umaangat para sama-sama na silang nasa ibaba.

“Eto pa ang nakatatawa,” sabi ni Tito George.” “Kung ikaw ay isang community leader—halimbawa, presidente ng isang asosasyón, journalist sa isang pahayagan, nangunguna sa community events, o di kaya e nag-o-organisa ng kaganapang ang hangad ay para mapabuti ang komunidád—mas marami tiyak ang maiinggit at sisira sa ’yo.”

“Bakit?” aking pagtataka.

“E kasi nga, tulad ng sabi ko, likás sa maraming tao ang makaramdam ng inggit. At karaniwan nga, ang naiinggit e yung mga frustrated sa buhay. Kaya sa tuwing makakikita sila ng umuunlad o nagkakaroon ng pangalan sa komunidád dahil sa magagandang gawain, at hindi nila makaya, masabayan, o mapantayan ang tagumpay na ito—hindi sila mapakali kaya gagawa talaga sila ng paraan para masira ang taong kanilang kinaiinggitan. Paano? Ayun, magsisimula silang mag-imbento ng mga kasinungalingan at mga di totoong kuwento tungkol sa taong kanilang kinaiinggitan. Ikakalat nila ’yan bilang tsismis. Tapos, ang mas matindi pa, pipilitin nilang masira ang taong ito sa mismong mga kaibigan nito. Lubos ang kanilang kasiyahan kapag nakita nilang maraming nagagalit sa taong kanilang kinaiinggitan.

Pakiramdam nila ay, ‘Sa wakas, nagtagumpay rin ako! Wala na akong dapat kainggitan, dahil nasira at napabagsak ko rin ang taong kinaiinggitan ko. Hahaha! Ako pa rin ang nagwagi!”

Teka, totoo nga ba ’yan o isa lamang ilusyón—ang taong mapanira at mainggitin sa kapwa nga ba ang nagtatagumpay sa sandaling mapabagsak nila ang taong kinaiinggitan?

Iyan ang akala nila! Masira man nila at mapabagsak ang taong kinaiinggitan, hindi pa rin nagbago ang kalagayan ng taong mainggitin—mamamatay pa rin siyang inggitero, frustrated sa buhay, walang sense of accomplishment, at higit sa lahat, walang tiwala sa sariling kakayanan, talino, at talento.

Kaya kung ikaw ay biktima ng matinding inggit ng isang kakilala, wala kang dapat gawin kundi ipagpatuloy mo lang ang magagandang bagay na kinaiinggitan ng