Parents, Respect Your Children

Parents, Respect Your Children

(On Familial Relationships)

May kasabihang, “Dapat palaging igalang ang matatanda.” Hindi ako buong-buong pabor d’yan. Bakit kamo? Aba, hindi porke matanda e dapat na agad igalang. Bagama’t natural sa isang tao na igalang o isaalang-alang ang kapakanan o damdamin ng nakatatanda sa kanya, marami rin namang matatanda na bastos o di kaya e palaging ipinipilit ang kanilang gusto kahit labis na ito o kahit hindi na ito tama. Malaking halimbawa e yung mga magulang na sarado ang pag-iisip sa nais o desisyon ng kanilang mga anak. Imbes na bigyan lang ng paalala o gabay e pilit na kinokontrol ang buhay ng kanilang mga anak o kaya naman e palagi na lang negatibo ang nakikita at di makayang purihin ang mga naabot o nakamit ng kanilang mga anak. Kadalasan pa e isusumbat sa anak pati ang pagpapalaki at pagpapaaral ditto samantalang obligasyon naman talaga ng magulang na isulong ang kanilang mga anak. Kung maligaw man ito ng landas, walang unang tutulong o sasalo dapat dito kundi sila ring mga magulang.

Oo, marami rin namaing pagkakataon na nadadapa ang isang anak, pero bilang magulang e dapat handa ang isang ina o ama na intindihin at mahalin ang anak sa kabila ng mga pagkukulang nito. Higit sa lahat, ang magulang ang dapat na unang poprotekta sa kanyang anak imbes na maglalagay rito sa alanganin o ipagkakalat sa iba ang mga kahinaan nito.

Familial Bond Is the Strongest

The strongest emotional bond should be that between parents and their children. That’s why I feel sad and disappointed whenever I see or hear of parents who break the hearts of their own children; or the other way around, children who break the hearts of their parents.

But then again, the dynamics of familial relationships is powered by various factors. They could be really complicated. But in spite of this, family members should learn how to practice mutual respect amidst disagreements.

I’m just glad that I came from a family who, despite having had disagreements and arguments about certain issues, continue to maintain a good level of love, concern, and respect for one another. And this same interpersonal dynamics is what I have been applying to my own family. Of course, there would be disagreements, arguments, clashes of decisions; but we need to maintain a reasonable degree of love, concern, respect, and support for each other’s individuality and personal choices and preferences.

Malamang e maraming aangal sa artikulo kong ito, sasabihing ang anak ang dapat na umintindi sa magulang. Pero gasgas na ang isyu na ’yan. Karaniwang maririnig e kesyo igalang ang magulang; igalang ang matatanda; pero bibihira ang kariringgan mo ng sentimyentong igalang din dapat ang mga anak; igalang ang desisyon at indibidwalidad ng bawat kabataan. Kaya naisipan kong isulong naman ang karapatan ng mga nakababata na igalang din sila.

Sa Madaling Salita

Bigayan lang yan. Kung gusto ng magulang na igalang siya ng kanyang mga anak nang bukal sa puso, dapat e matuto rin silang respetuhin ang diskarte at mga desisyon ng kanilang mga anak, lalo na kung wala namiang ginagawang karumal-dumal na mga gawain ang mga ito. Natural lang na madapa ang bawat tao, pero hindi ito dahilan para tratuhin na itong parang trapo—lalo na kung ito ay iyong kadugo.

Or, in Simple Words
Familial relationship is not only about respecting the elderly; it involves also respecting the young. Or better yet, it’s about respecting each other in equal measures.