Mga Krédo’t Doktrína ni Epicurus

Hindí lahát ng lumílipad ay íbon
Untí-untíng lumilípas ang panahón
Nakaraán hindí na mabábalikan
Itútok ang ísip sa kinabukásan

Táo’y ‘sinisílang táo’y namámatay
Anó ang túnay na layúnin ng búhay?
Magpaalípin sa mga súliranin?
O kaligayáhan sa mundó’y lubusín?

Síno’ng may kontról sa timón at élisi?
Ang estádo o simbáhan o saríli?
Ang budhî at wísyo saán nakaángkla?
Hipokridád? Komunísmo? Demokrásya?

Sa gitná ng pláza humángos ang madlâ
Nang sa wakás ang pántas ay nagsalitâ

Note:
A sonnet consisting of 12-syllable lines

“It is not possible to live pleasurably without living sensibly, nobly, and justly.”–Epicurus