Pasasalamat sa Kapalaran

Kahapon ay may natanggap akong napakagandang balita na aapekto nang positibo sa aking buhay.

Magpapasalamat na ba ako?
Hindi pa rin!

Bakit?
Hindi ako makasarili.

Magpapasalamat lang ako kapag wala nang mga mababait na taong namamatay nang dahil sa kalamidad, sakuna, at karamdáman.

Magpapasalamat lang ako kapag wala nang mga inosenteng tao na napapatay ng mga masasamang loob, mga batang paslit na napagsasamantalahan ng mga gago, mga pulitikong manggagantso, mga relihiyosong lider na ipokrito, at mga taong ipinanganganak na may kapansanan.

Hinding-hindi ko kayang magpasalamat dahil maayos ang áking buhay samantalang ang milyun-milyon kong kapwa ay naghihikahos at namamatay nang walang kalaban-laban.

Sa Madalíng Salita
Ang pagpapasalamat ng isang tao sa mga magagandang bagay na kanyang natatamasa ay hindi nangangahulugan agad na siya ay may busilak na pagtingin at pagpapahalaga sa kanyang kapwa. Dahil bakit niya pasasalamatan ang paboritismo ng Kalikásan o Kapaláran? Bakit niya ito pasasalamatan dahil nakatanggap siya ng pabor o magandang bagay, samantalang ang milyun-milyon niyang kapwa ay pinapabayaan?

Magandang Kontrapuntos
“Ang pasasalamat naman eh hindi lang tumutukoy sa Diyos, eh. Pwede ka pa rin naman magpasalamat sa suwerte, turn of events, o sa kung anupaman. Nothing is wrong with just saying, “Thank goodness.” I think it is just an expression of gratitude to something (be it God, gods, other humans, or even just cosmic luck) outside of one’s control that gave one a benefit or a positive outcome. Ako? Reflex ko na ang magpasalamat sa mga ganyang sitwasyon. I often say: “Thank goodness.” O kaya… “Haay salamat!”—Hector R. Gamboa